Puwede nang mamasyal sa Boracay sa susunod na buwan kahit walang RT-PCR test result ayon kay DOT secretary Berna Romulo-Puyat.
Aniya, hinihintay lamang maging fully vaccinated ang mga staff at residente sa isla.
Ngayong araw, nauna nang pinayagang makapasok ang mga turistang fully vaccinated sa Baguio kahit walang RT-PCR test result.
Ang buong detalye at ilan pang mga balita, panoorin sa video na ito.
HEADLINES
- RT-PCR TEST RESULT, HINDI NA REQUIRED SA MGA PAPASOK SA BORACAY SA SUSUNOD NA BUWAN
- 10-YEAR VALIDITY NG DRIVER’S LICENSE, SISIMULAN NA
- VACCINATION SA IBA PANG 12-17 YEARS OLD, TARGET MASIMULAN SA UNANG LINGGO NG NOBYEMBRE
- LIGTAS NA BANG GAWING 100% ANG CAPACITY NG MGA PAMPUBLIKONG SASAKYAN SA NCR?
-BAKIT WALA PA RING PAG-USAD SA BUHAY NG MARAMING MAGSASAKA SA PILIPINAS?